bc

Cursed By Her (Tagalog || Completed)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
13.8K
READ
independent
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
cheating
disappearance
first love
lonely
like
intro-logo
Blurb

Dalawang kwento ng mga dalaga na may iba't-ibang pagsubok na kinakaharap sa pamilya. Mga lihim ay unti-unting mabubunyag.

2-in-1 Book (SPG)

Cursed By Her #1: Lost Goddess

Lishanara Costa, ang babaeng gagawin lahat para sa pamilya. Kahit nagkandaletse-letse na ang kanilang buhay ay pilit siyang ibabangon ang mga ito. Sheldon Corea, ang kanyang pag-ibig noon na 'di pinaglaban ang pag-iibigan nila.

Paano kung malalaman nilang nililinlang lamang sila ng kapalaran? Magkakaroon pa ng isang pagkakataon na maitama ito?

Cursed By Her Series#2: Hidden Amber

Kyrile Amber Venito, ang prinsesang nakakubli sa lahat ng bagay. Ayaw niyang ipangalandakan sa lahat ang pagkatao dahil hindi niya nais sa mga manggagamit mapunta. Mas nanaisin niyang mamuhay sa isang simpleng buhay hanggang sa makilala niya si Iero Lagdameo ang kanyang kapitbahay na lagi siyang binubwisit pero misteryoso.

Makakawala pa ba siya sa pagkakakubli kung matutuklasan niya ang lihim sa kanyang pagkatao?

chap-preview
Free preview
Prologue: Lost Goddess ✓
Disclaimer:  Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers.  All rights reserved © Anjzel Ica 2019-2020 --- NAGHIHINTAY habang bumubuhos ang malakas na ulan si Lisha. Niyakap niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang hintayin pa ang pagdating ng kaniyang kasintahan. Nais niya pang bigyan ito ng isa pang pagkakataon. Handa niyang lunukin ang kaniyang pride at baka sakali ay bumalik ang nobyo niya. "Sheldon.." usal niya habang lumuluha. Martyr talaga ang dapat itawag sa kaniya. Sinabihan na siya ng kaniyang pinsan na si Nathalia na magkakaanak na ito mula sa nobyo niya. Ngunit nagbubulag-bulagan lang siya. Napaiyak nablang siya habang nangangatog. Mahal na mahal niya si Sheldon. Handa niyang tanggapin ito at bigyan ng isa pang pagkakataon. "Akala ko ba’y mahal mo ‘ko? Sinungaling ka! Mga hayop kayong dalawa! Ang bababoy ninyo! Ano’ng kasalanan ko sa inyo! Bakit ninyo ginawa sa 'kin 'to!" paghihinagpis niya at kumidlat nang malakas. "WALA kang mababalikan pa kay Sheldon. He's mine. Magkakaanak na kami. Stop making yourself stupid. Hindi ako naaawa sa ‘yo. Mahiya ka nga, Lisha. Magkakapamilya na kami, bakit ka pa nagpupumilit na balikan ni Sheldon? Such a desperate b***h. Mas mahal ako ni Sheldon kaysa sa ‘yo," sabi ni Nathalia at tumawa naman si Tita Evy sa gilid. "Umuwi ka na lang sa pinanggalingan mo. Magpapakasal na sila ng anak ko at hindi sa ‘yo. Huwag kang garapal, Lisha. Si Sheldon ay para kay Nathalia lamang. Isaksak mo ‘yan sa kukote mo," segunda nito. NAPAHAGULHOL ako at napaupo sa basang sahig. Wala ‘kong pakialam kung magmukha akong kawawa. Deserved ko bang maging ganito? Deserved ko ba na saktan nila ako nang ganito? May kasalanan ba ‘kong ginawa sa kanila at ginagantihan nila ako? Napasuntok siya sa kaniyang dibdib. Tila naninikip ito. Mga ilang oras pa siyang umiiyak  hanggang sa sunduin na siya ng mga magulang ay walang Sheldon na dumating. Lalo lang nanikip ang dibdib niya sa isiping hindi na siya mahal nito at mukhang totoo ang sinasabi ng kanyang pinsan at tiyahin. "Anak, halika na! Parang awa mo na! Ikakasal na siya sa pinsan mo. Huwag mo na siyang hintayin. Wala na siya dahil hindi ka na niya babalikan pang muli. Let him go, Anak. That young man doesn't deserve your love and affection. Bata ka pa at makakahanap ka pa ng ibang lalaki. Huwag kang magpakahibang sa manloloko!" sigaw ng kaniyang Mommy at humagulhol naman siya. Pilit siyang tinatayo nito mula sa pagkakaupo. "Lisha, come on let's go! Stop being dumb! Hayaan mo siya! Hindi siya kawalan. Halika na, Anak. Please lang, huwag ka na magpakamartyr. Hindi nababagay sa tulad mo ang isang lalaking maliit ang bayag at hindi marunong tumupad sa mga pangako," sabi ng kaniyang Daddy at inalalayan siyang tumayo. Nilagyan siya ng tuwalya nito sa ulo. Mapait siyang napangiti at napahawak siya sa kaniyang impis na tiyan hanggang sa unti-unting dumilim ang kaniyang paningin. Kapwa sila manloloko ng pinsan niya. Pinaglaruan lang ang kaniyang damdamin. Ito na ang huling iyak niya mula rito. Makakalimutan niya rin ang sakit na idinulot nito sa kaniyang puso. Kahit masakit ay aalisin na niya ito sa kaniyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K
bc

His Property

read
946.5K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.6K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook